Pansin ko lang, napakaraming magaaral sa aking paaralan.Libo-libong estudyante ang araw araw na pumapasok, baon ang pag asang matupad ang mga pangarap.Daan-daang kaluluwa ang umaasang aangat sa bawat lupang pinanggalingan.
Pansin ko rin, napaka raming tao ang tumutulong sa pag unlad ng mga kabataan.Madaming nagkakapit bisig at nagsasakripisyo upang umangat ang bawat kaluluwang lugmok sa lupa.
Nguniit napansin ko, sa libo libong magaaral, iilan lang ang totoong nag aaral.bilang lang sa palad ang interesadong matuto.Napakarami nilang pangarap, ngunit wala silang ginagawa upang matupad ito.
Mas nagiging abala sila sa mga pansamantalang kasiyahan sa paligid.mas may oras pa silang maglagay ng kulay sa mukha kesa magbasa ng aklat.mas pipiliin pa nilang ngumanga kesa makibahagi sa mas kapakipakinabang na gawain.
Ikaw .. tatanungin kita, gaano mo kamahal ang bayan mo?
Hangang saan ang kaya mong ibuwis para dito?
Paano mo babaguhin ang mga maling kultura sa paligid mo?
Imulat mo ang mata mo sa totoong estado ng bayan mo,lugmok ang Pilipinas sa kahirapan, kahihiyan at kasakiman.Walang ibang magmamahal sa Pilipinas kundi Pilipino. Huwag kang makuntento sa kakapirangot na kaalamang meron ka. Matuto kang maghanap ng talino at linangin mo para maipamahagi mo.
Pansinin mo ang paligid mo,
pansinin mo ang mga tahimik na espiritung humihingi ng saklolo.
Pansinin mo ang mga taong sakim sa kapangyarihan,at ganid sa kakarampot na barya.
Makialam ka naman, wag kang makuntentong naka nganga ka lang.Ang buhay ay hindi puro ganda ganda lang.Kailangan mong kumilos para gumanda ang buhay.
Pansin ko lang ..
Pansin mo rin ba ?
Friday, September 17, 2010
Pansin ko lang
Posted by creaon at 8:56 AM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)